DAVAO CITY – Kasong panggagahasa at child pornography dahil sa pagka-pedopilya ang kinakaharap na kaso ng US citizen na nahuli sa Davao.

Kinilala ang suspek na si Jason Eric Keller, 33-anyos, residente ng Connecticut sa Estados Unidos na hinuli ng Bureau of Immigration (BI) Region 11.

Hindi na nakalabas sa BI-Davao ang suspek na kaagad na hinuli habang pinoproseso ang extension ng kanyang tourist visa.

Unang na-hit ang pangalan ng suspek kaya nagsagawa ng inquiry ang mga tauhan ng BI.

Napaiyak na lamang ang suspek na gusto pa sanang mananatili dito sa bansa.

Pinoproseso na rin ang pagpapauwi ng dayuhan upang kakaharapin ang mga kasong isinampa sa kanya sa Connecticut.