Tinanggal na ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang travel restrictions sa 90 mga bansa.
Ayon sa US CDC na kanilang tinanggal ang “Do Not Travel” COVID-19 recommendations.
Noong nakaraang linggo kasi ay binago nila ang travel recommendations at kanilang nireserba ang Level 4 health notices para sa mga bansang mayroong mabilis na pagtaas na kaso ng COVID-19.
Ang mga bansa na pinagbabawalang bumiyahe ang mga American citizens na hindi bakunado ay ang mga sumusunod: United Kingdom, France, Israel, Turkey, Australia, Greece, Hong Kong, Italy, Japan, South Korea, Spain at Russia.
Binabaan rin ang travel alert level sa mga bansang sumusunod: Switzerland, Austria, Belgium, Bulgaria, Central African Republic, Chile, Czech Republic, Jordan, Lebanon, New Zealand, Norway, Portugal, Poland, Somalia, Uruguay at Vietnam.