-- Advertisements --

Binago na ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang rekomendasyon sa ilang restrictive measures gaya ng quarantines at social distancing.

Ayon sa bagong guidelines ng CDC na hindi na nila inirerekomenda ang pagkakaroon ng anim na talampakan na distansiya para mabawasan ang panganib ng pagkakahawa.

CDC GUIDELINES

Nakasaad din sa guidelines na ang contact tracing ay lilimitahan na lamang sa mga hospitals at sa mga high-risk group gaya ng mga naninirahan sa mga nursing homes.

Hindi na rin ipinapayo ang pag-quarantine sa mga tao na na-expose sa COVID-19.

Ipinapayo pa rin ng CDC sa bagong guidelines ang testing sa mga tao na mayroong sintomas at kapag natapos na rin ang isolation subalit naging malala pa rin ang sintomas ay kailangan mag-isolate ulit.