-- Advertisements --
download 5

Nananatili pa rin ang mga overseas Filipinos na nakabase sa US sa may pinakamalaking ambag na cash remittance kumpara sa iba pang mga bansa.

Ito ay batay sa pinakahuling datus na inilabas ng Banko Sentral ng Pilipinas(BSP) ukol sa kabuuang cash remittance ng mga overseas Filipinos kung saan naitala na ito sa $24.01 billion sa buong taon.

Mula sa nasabing halaga, hawak ng mga US-based Filipinos ang hanggang sa 41.6% share.

Ang mga sumunod na bansa ay mas mababa na sa 10% ang kanilang share sa kabuuang cash remittances ngayong taon.

kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

2. Singapore – 6.9 percent
3. Saudi Arabia – 5.9 percent
4. Japan – 4.9 percent
5. United Kingdom – 4.9 percent
6. United Arab Emirates – 4.1 percent
7. Canada – 3.5 percent
8. Qatar – 2.8 percent
10. Taiwan – 2.7 percent
11. South Korea – 2.6 percent

Una nang sinabi ng BSP na target nitong maabot ang hanggang sa 3% na growth average sa kabuuan ng 2023.