Naglabas ng joint statement ang foreign ministers ng Australia, United States, Great Britain at Canada nitong araw para ipahayag ang kanilang “serious concern” sa pagkakaaresto sa 55 democracy activists at supporters sa Hong Kong noong nakaraang linggo.
Ang pagkakaaresto sa mga aktibista na ito ang siyang pinakamalalang hakbang na kung maituturing matapos na maisabatas ang National Security Law anim na buwan ang nakalilipas.
Sinabi ng apat na foreign ministers na malinaw na ginagamit ang National Security Law para ma-eliminate ang mga tumututol o sumasalungat dito.
Pinirmahan nina Marise Payne ng Australia, Francois-Philippe Champagne ng Canada, Dominic Raab ng U.K. at Mike Pompeo ng United States ang naturang statement.
Ayon sa Chinese at Hong Kong governments, kailangan ang naturang batas para maibalik ang kaayusan sa lungsod na naging mistsa nang bayolenteng anti-government protests sa loob ng ilang buwan noong 2019.
Ikinagulat naman ng Hong Kong government ang naging pahayag ng apat na foreign ministers na tila nagsasabi abila na ang mga indibidwal na may ibang political beliefs ay dapat maging immune sa legal sanctions.
Mababatid na karamihan sa mga inaresto noong nakaraang linggo ay may papel sa unofficial primary, na ayon sa mga awtoridad ay bahagi nang plano na agawin ang control sa lehislatura upang ma-paraluze ang gobyerno at pilitin ang lider ng Hong Kong na mag-resign.
Sa ngayon, hindi pa nakakasuhan ang inarestong 55 aktibista, at karamihan sa mga ito maliban na lamang sa tatlo ang pinalaya na matapos na maglagak ng bail habang hindi pa natatapos ang inilunsad na imbestigasyon. (Reuters)










