Bumuo na si US Attorney General Merrick Garland ng independent lawyers na mag-iimbestiga sa mga classified documents na natagpuan sa bahay ni US President Joe Biden.
Ang nasabing dokumento ay nadiskubre ng mga aides ni Biden sa bahay nito sa Delaware.
Ang nasabing mga dokumento ay kahalintulad ng mga files na nadiskubre sa Washington DC office na kaniyang ginamit sa termino niya bilang Vice President.
Agad naman na ipinasakamay sa gobyerno ang nasabing mga dokumento.
Nakasaad kasi sa batas na ang dokumento sa White House ay kailangang maipasakamay sa National Archives kapag natapos na ang termino ng isang opisyal.
Dahil dito ay nanawagan ang ilang mg Republicans sa pamumuno ni House Speaker Kevin McCarthy na imbestigahan si Biden.
Dumepensa naman si Biden at sinabi na hindi nito binabalewala ang mga dokumento at hindi aniya ito nakakalat lamang sa kalsada.