Tinawag ni British Prime Minister Rishi Sunak na isang ‘self-defense’ lamang ang ginawa nilang joint missile strike sa kuta ng mga Houthi rebels sa Yemen.
Dagdag pa nito na ang layon nila ay para pababain ang tensiyon na nangyayari sa Red Sea dahil sa ginagawang pag-atake ng mga Houthi rebels sa mga barkong dumadaan doon.
Isa lamang pagpapaalala sa mga Houthi rebels na ang ginagawa nila ay paglabag sa international laws.
Maging si US National Security Council spokesperson John Kirby ay sinabi nitong nais lamang nilang protektahan ang mga sundalo na nasa ibang bansa ganun din ang pagprotekta sa daloy ng komersyo sa Red Sea.
Una ng sinabi ng Houthi rebels na sila ay gaganti sa ginawa na ito ng US at UK.
Magugunitang ginamitan ng US at UK ng mahigit 100 precision-guided missiles ang mahigit 60 target sa Yemen na pinagkukutaan ng mga Houthi rebels.
Ang nasabing joint missile strikes ay suportado ng mga bansang Australia, Bahrain, Canada at the Netherlands.