-- Advertisements --

Gumagawa na ng paraan ang US at mga kaalyadong bansa nila para makahanap ng alternatibong ruta sa sa pagdaan ng mga trigo mula Ukraine patungo sa ibang bansa.

Kasunod ito sa pagkansela ng Russia ng grain deal na pinapayagan ang Ukraine na dumaan sa Black Sea.

Ayon kay US National Security Council spokespersona John Kirby na nakipagtulungan na sila sa kanilang European partners para malaman kung mayroon pang ibang paraan.

Sa Ukraine kasi nanggagaling ang trigo para sa mga iba’t-ibang bansa at ang pagharang sa Black Sea ay magreresulta sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Magugunitang kinondina ng maraming bansa ang ginawang ito ng Russia dahil sa maapektuhan ang suplay ng mga trigo at fertilizers.