-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng US at ilang mga kaalyadong bansa sa kahalagahan ng pagbisita ng nuclear watchdog sa Zaporizhzhia power plant sa southeastern Ukraine.
Sa ginawang conference call na pinangunahan ni US President Joe Biden kina ritish Prime Minister Boris Johnson, French President Emmanuel Macron at German Chancellor Olaf Scholz ay ipinakita nila ang buong suporta sa Ukraine.
Binigyang halaga din nila na dapat matigil na ang military operations malapit sa planta.
Nararapat aniya ang pagdalaw ng International Atomic Energy Agency (IAEA) para matiyak ang kaligtasan ng nasabing planta.