-- Advertisements --
Nasa kustodiya na ng America si US Army Private Travis King matapos na ito ay tumawid sa patungo sa North Korea.
Sinabi ni US National Security Adviser Jake Sullivan, dahil sa tulong ng Sweden, China at interagency team kaya nakabalik sa kanilang kustodiya ang nasabing sundalo.
Una ng sinabi ng North Korea na kanilang pinabalik sa King matapos ang isinagawa nilang imbestigasyon.
Dagdag pa ni Sullivan na napakawalan si King dahil sa intense diplomacy sa pagitan ng ilang bansa.
Magugunitang tumakas si King habang nasa tour ng Joint Security Area sa pagitan ng North at South Korea noong Hulyo.
Kapag dumating na sa US ay dadalhin si King sa Brooke Army Medical Center sa San Antonio kung saan isasailalim siya sa Post Isolation Support Activities.