Bukod sa High Mobility Artillery Rocket System o himars ay ipinakita rin ng ph army at US Army Pacific sa media ang iba pang live fire exercises na kanilang isinagawa sa taunang joint military exercise na SALAKNIB 2023.
Kasunod ng HIMARS live fire exercise ay isinagawa ng mga ito ang anti-tank live fire exercise kung saan sampung at-4 84mm anti tank ang pinaputok ng tig-limang sundalo mula sa dalawang hukbo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumamit ang ph at us armies ng isang anti-tank weapon sa isang combined training scenario.
Sa pamamagitan ng advanced weapons system na ito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga sundalo ng ph army na makatanggap ng professional development, training, bagong tactical skills, accuracy, at confidence na kanilang magagamit sa mga susunod na actual combat scenarios na kanilang kakaharapin.
Samantala, bukod dito ay nagsagawa rin ng squad live fire exercises ang dalawang hukbo kung saan ipinamalas ng mga ito ang kanilang husay pagdating sa combined training and readiness, at gayundin ang kanilang kahandaan para sa pagpapaigting pa sa pagpapatupad ng regional security and stability.
Ang bahaging ito ay nagpapakita rin ng isang mahigpit at matatag na defense cooperation sa pagitan ng dalawang hukbo, at nagbibigay din ng oportunidad sa mga ito na makapagpalitan ng mga bagong taktika, at patibayin pa ang kanilang interoperability ng mga ito pagdating sa iba’t ibang mga scenario.
Kung maaalala, aabot sa mahigit 3,000 mga sundalo mula sa Philippine Army at US Army ang nakilahok sa naturang side by side training sa nagpapatuloy na eight iteration ngayon ng SALAKNIB 2023.