-- Advertisements --

Hinomok ni House Speaker Lord Allan Velasco ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na gawing prayoridad sa vaccination rollout ang mga urban centers na may mataas na concentration ng COVID-19 cases.

Pero ito ay kung matapos na aniyang mabakunahan ang lahat ng 1.7 million health workers sa bansa, para na rin matiyak na sila ay protektado kontra COVID-19.

Bukod sa National Capital Region (NCR) Plus, sinabi ni Velasco na dapat ay gawing prayoridad din sa alokasyon ng bakuna ang Mega Cebu, Davao, Cagayan de Oro at iba pang regional centers sa buong bansa.

Base na rin aniya sa mga eksperto, sinabi ni Velasco na marapat lamang sa ngayon na i-concentrate ang pagbabakuna sa mga lugar na ito dahil ang mga ito ang may vulnerable na health systems.