LA UNION – Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang limang katao kasama na ang isang sanguniang bayan member sa bayan ng Balaoan, La Union nitong Biyernes ng gabi.

Nakilala ang sugatan na si sangguniang bayan member Rollidel Concepcion, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat na iba pa.

Sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Balaoan Police, pinaputukan umano ng mga hindi kilalang suspek na nakasakay sa puting Nissan Urvan (AO 8335) ang convoy ni Concepcion sa Barangay Nagsabaran sa naturng bayan.

Dahil sa pangyayari agad na intinakbo sa Balaoan District Hospital sa Barangay Bungol ang mga sugatan habang inilipat naman sa Lorma Medical Center sa siyudad ng San Fernando si Concepcion para magamot.

Si Concepcion ay kumakandidato ngayon para sa sanguniang panlalawigan sa unang distrito ng La Union kung saan pinalitan nito ang pinsan na si Carlo Concepcion na kumakandidato sa pagkabise alkalde sa nabanggit na bayan.