-- Advertisements --
Pinahiya ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons ang Ateneo Blue Eagles sa overtime game 76-71 ng UAAP Season 85 men’ basketball tournament.
Nabitawan ng defending champion ang kanilang seven points lead sa huling tatlong minuto ng last quarter.
Mayroon ng apat na panalo at isang talo ang UP habang ang Ateneo ay mayroong tatlong panalo at dalawang talo.
Sinabi ni UP coach Goldwin Monteverde na naging maganda lamang ang laro na ipinakita ng kaniyang koponan.
Bumida sa panalo si Carl Tamayo na nagtala ng 20 points, 13 rebounds at tatlong assists.
Ito na ang pangatlong beses na nagharap ang UP at Ateneo na may OT kung saan naipanalo lahat ng Maroons.