-- Advertisements --
PH COVID 19 severity DOH UP
IMAGE | Screegrab from UP Octa Research Team presentation/June 11

Itinuturing din ng mga eksperto mula University of the Philippines OCTA Research Team na dahilan sa muling pagkalat ng COVID-19 sa bansa ang “asymptomatic transmission” ng sakit.

Ipinaliwanag ni Prof. Guido David, ng UP Institute of Mathematics, na sa ngayon ay nasa 10-percent ng kabuuang COVID-19 cases sa Pilipinas ang tinatayang asymptomatic.

Ang mga severe o kritikal naman ay nasa 1-percent. Habang ang mga asymptomatic ay tinatayang nasa 10-percent.

Tinatawag daw na asymptomatic ang transmission kung ang isang tao ay nahawa ng sakit mula sa mga COVID-19 cases na hindi alam na sila’y positibo dahil walang nararamdamang sintomas.

“Yung asymptomatic medyo kaunti siya, so ang posisyon namin, siguro hindi natin nakikita yung karamihan ng mga asymptomatic kasi baka gumagala sila. Kapag hindi natin nate-test ang lahat ng tao, hindi natin alam kung sino yung asymptomatic. Sila yung mga nakakapag-spread (ng COVID-19),” ani David.

-- Advertisement --

Kaya payo ni Prof. Guido David, dapat palawakin pa ang testing para matukoy kung sino ang mga may COVID-19 pero walang nararamdamang sintomas ng sakit.

“I mean posible rin na nags-spread yung mga mild, pero dito mukhang underreported ang asymptomatic. Malalaman natin yung number ng asymptomatic by increasing yung testing. Sa ngayon kasi yung testing capacity natin, nag-increase na. Hindi naman natin kailangan i-test yung buong population pero magra-randomize testing tayo. Yun yung isang strategy natin para malaman itong mga asymptomatics.”

Una nang sinabi ng UP Research Team na bumaba sa 1.2-percent ang R-Naught ng Pilipinas ngayong Hunyo, mula sa higit 3-percent noong Abril.

Ang “R-Naught” ay sukatang ginagamit ng mga mananaliksik para matukoy ang pagkalat ng mga sakit, tulad ng COVID-19.