Pinuna ng University of the Philippines COVID-19 Pandemic Response Team ang ilang inconsistencies o hindi tugmang datos ng Department of Health sa sitwasyon ng coronavirus disease sa bansa.
Batay sa Facebook post ng UP Resilience Institute, nakasaad na sa pagitan ng mga petsang April 24 at 25 ay may ilang pagbabago sa data ng DOH.
Kabilang na dito ang 45 confirmed cases na nagbago ang datos sa kasarian; 75 pasyente nag-iba ang impormasyon sa kanilang edad; at 516 cases na nagka-iba iba ang address.
Mayroon ding isang pasyente na nai-report na namatay noong April 24, pero wala ang pangalan sa total deaths sa kinabukasan.
Noong May 3 naman, iniulat ng Health department na may pitong death at 28 recoveries sa probinsya ng Laguna.
Pero batay sa official count ng provincial government, 29 ang kanilang death toll, habang ang total ng mga gumaling sa lalawigan ay 93.
Hindi rin daw tugma ang coding ng mga kaso sa kada rehiyon, gayundin ang paggamit ng “date format.”
“These lapses may seem small relative to the total size of data contained in the
daily updates, but they have significant implications on the reliability of our
scientific analyses on COVID-19. Patient case data is the keystone for effective
and insightful metrics and analysis.”
“The integrity of the data drops is particularly important given that no less than President Rodrigo Roa Duterte himself has said many times that the government’s decision on managing COVID-19 will be based on science.”