Agad pinabalik sa kanilang point of origin at agad blacklisted ang 18 unruly foreign nationals na naharang ng Bureau of Immigration (BI) na papasok sana sa bansa noong nakaraang taon.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang banyaga ay hindi na pinapasok sa bansa dahil sa hindi pagrespeto sa mga immigration officers.
Sa kabila raw ng instruction sa mga BI officers na laging isaalang-alang ang maximum tolerance, ilan umano sa mga banyaga ang dumating na lasing, magulo at pasaway habang sila ay isinasalang sa inspection.
Mayroon pa raw derogatory statements ang mga banyaga laban sa mga Pinoy dito sa bansa.
“While immigration officers are instructed to exercise maximum tolerance, some foreign nationals overstep their boundaries and arrive drunk, rowdy, and unruly when they present themselves for inspection. There were even some who would make derogatory statements about Filipinos or the country,” ani Morente.
Base sa record ng BI, noong 2019, 180 banyaga ang hindi pinapasok sa bansa dahil sa parehong grounds habang 133 naman noong 2018.
Samantala, nilinaw naman ng BI na ang mga banyaga mula sa China at hindi sa South Korea ang karamihan sa mga na-deny ang pagpasok noong nakaraang taon.
Ayon sa port operations division ng BI, 532 Chinese nationals ang nanguna sa listahan at sinundan ito ng 333 Vietnamese, 247 Americans, 181 Indonesians, 180 Malaysians at 58 Myanmar nationals.
Pang-anim lamang umano ang South Koreans na mayroong 55 excluded passengers.
Noong 2020, papalo sa BI 3,044 foreign nationals ang naharang dahil sa paglabag sa immigration law.