-- Advertisements --

Nakarating na sa buwan ang “Moon Sniper” robotic explorer ng Japan.

Ayon sa Japan Aerospace Exploration Agency, na maaring huminto pansamantala ang mission dahil sa hindi nakakakuha ng kuryente ang solar cell ng nasabing spacecraft.

Nakakakuha aniya sila ng signal mula sa lander at ito ay nakakapag-communicate.
Ang Smart Lander for Investigating Moon, o SLIM ay nakarating sa buwan dakong 12:20 ng umaga nitong Sabado oras sa Japan.

Inaalam nila ang sanhi ng nasabing limitadong operasyon ng battery power nito.

Maaring ma-charge muli ang battery subalit kinakailangan pa ng ilang panahon.

Magpapakawal ang lander ng dalawang lunar rovers ang LEV-1 at LEV-2 na siyang mayroong wide-angle visible light camera at mga kagamitan para makakuha ng ilang impormasyon.

Sakaling magtagumpay ay ang Japan na ang pang-limang bansa na nakarating sa buwan ang kaniyang spacecraft na una ay ang US, Russia, China at India.

Ang SLIM lander ay ipinakilala sa publiko ng Japan noong Setyembre na target ang makapunta sa buwan.