-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagpaabot ng mainit na pagbati si outgoing Kabacan Cotabato Municipal Mayor Herlo P. Guzman, Jr. sa mga scholars ng lokal na pamahalaan ng Kabacan na magtatapos ng kolehiyo sa University of Southern Mindanao.

Nabatid na mayroong 19 unlad scholars ang magtatapos sa ilalim ng programa ng lokal na pamahalaan. Mula sa bilang, anim dito ang cum laude at isa ang magna cum laude.

Kaugnay nito, siniguro ni incoming Mayor Evangeline Pascua-Guzman na titiyakin nitong magpapatuloy ang nasabing programa para sa mga Kabacaño.