-- Advertisements --

Temporaryong isinara ng mga otoridad sa China ang Universal Resort theme park sa Beijing.

Ito ay bilang preventive measures laban sa COVID-19.

Patuloy kasi ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar kahit na nagluwag ang maraming bansa sa ipinapatupad nilang COVID-19 restrictions.

Nangako naman ang parke na kanilang ibabalik ang bayad o ire-reschedule ang mga nakabili na ng kanilang mga tickets.

Hindi naman nila inanunsiyo kung kailan ang muling pagbubukas nila ng nasabing parke.

Tanging ang Beijing kasi ang lungsod sa China na hindi nagpatupad ng full lockdown matapos ang muling pagtaas ng nasabing kaso noong nakaraang mga buwan.