-- Advertisements --

Tiniyak ni Atty. Vic Rodriguez, incoming executive secretary ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr. na tutuparin nito ang kaniyang pangako na “unity promise” sa panahon ng kaniyang administrasyon.

Sa isang panayam sinabi ni Atty. Rodriguez, nagsimula ang “unification process” matapos ihayag ng kampo ni VP Leni Robredo na hindi na nila kukwestiyunin ang isinagawang canvassing of votes.

“That is a good start to the unification process, the healing process,” wika ni Atty. Rodriguez.

Binigyang-diin ni Rodriguez na ang unification ay nagsimula nuong Martes at ang tanging maialok ng president-elect ay ang kaniyang unifying brand of leadership at magiging presidente siya ng bawat Pilipino.

Sa kasagsagan ng 90-day presidential campaign, iginigiit ni Marcos na nais niya magkaroon ng unity sa bansa.

Kagabi pormal ng na proclaim si Marcos at VP-elect Sarah Duterte.