Nananatiling nakabantay ang United Nations sa Sitwasyon sa Israel, sa kabilang ng nagpapatuloy na pagpapakawala ng rocket ng teroristang grupong Hamas.
Simula nang sumiklab ang kaguluhan, nagpadala ang UN ng mga peacekeeping team sa natirang lugar.
Batay sa pinakahuling inventory ng UN, mayroon itong kabuuang 9,400 ground troops, 900 civilian staff, at 850 naval personnel on its Maritime Task Force.
Sa kasalukuyan din ay may kabuuang 13,000 national at international staff ng UN relief agency for Palestine refugees(UNWRA) na nasa Gaza, habang may kabuuang 4,000 staff na nasa West bank.
Batay sa updated report ng United Nations, ang UN relief agency for Palestine refugees ay kasalukuyang kumakanlong sa kabuuang 137,500 na katao na kinabibilangan ng mga kababaihan at mga bata.
Ang mga ito ay nasa mga eskwelahan na una nang naideklara bilang neutral grounds sa Israel.
Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na rin umano ang UN sa dalawang partido, sa pangunguna ng UN Special Coordinator for the Middle East Peace Process upang matalakay ang pagkakaroon ng kapayapaan sa naturang lugar.
Kasama sa naturang pag-uusap ang mga lider ng United States, Qatar, at ang European Union na maaaring maging bahagi ng peace process.
Sa kasalukyan, nagpapatuloy din ang UN sa distribusyon ng mga pagkain katulad ng tinapay, canned goods, ready-to-eat foods, at tubig sa mga Israelis na naapektuhan sa naturang kaguluhan.
Gayonpaman, hanggang 100,000 katao pa lamang umano ang naabot ng naturang grupo, habang plano nitong maabot ang 800,000 na kataong naninirahan sa Gaza at West Bank.