-- Advertisements --
image 54

Gaganapin ang isang public holiday para sa magiging koronasyon ni King Charles III, 73-anyos ngayong Mayo taong 2023 walong buwan matapos ang pagkamatay ng kanyang ina na si Queen Elizabeth II.

Ang public holiday ay mangyayari sa May 8, araw ng Lunes dalawang araw bago ang seremonya sa Westminster Abbey.

Ang royal event na ito ay tulad umano ng koronasyon kay Queen Elizabeth II noong 1953 na nagbigay pagkakataon sa buong bansa na magsama- sama at magdiwang dahil bukod kay King Charles III, Kokoronahan din ang asawa ng monarch na si Queen Consort Camilla, 75-anyos.

Matatandaan na tradisyonal ng nagaganap ang koronasyon ilang buwan pagkatapos umakyat sa trono ang isang bagong soberanya.