-- Advertisements --

Nababahala ang ilang residente at opisyal mula sa lalawigan ng Bohol na mabawi ang titulong UNESCO Global Geopark sa Bohol Chocolate Hills.
Ito ay dahil sa mga kontrobersiyang lumitaw nitong mga nakaraang araw, matapos matuklasang may itinayong resort sa lugar, kahit wala itong Environmental Compliance Certificate (ECC).
Maliban dito, may iba pang mga istraktura ang namataan din sa ilang burol, bagay na lalong nagpaigting sa pagkadismaya ng mga environmental groups.
Ayon kay Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor, hindi nga malayong mangyario ang pagbawi sa titulong iginawad sa naturang lugar mula sa UNESCO.
Ang naturang Global Geopark tag ay nitong 2023 lamang naipagkaloob, kaya malaki ang magiging impact kung ito ay maaalis bilang isa sa mga identity ng naturang tourist destination.