Inaasahang bababa sa pre-pandemic levels ang unemployemnt rate sa Pilipinas pagsapit ng taong 2024.
Ito ang pagtitiyak ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan nang tanungin hinggil sa employment projections ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa isinagawang unang briefing ng Senate finance committee sa national expenditure program (NEP).
Iprinisenta ni Villanueva na nasa 5.3% ang actual unemployment rate noong 2018 at 5.1% naman noong 2019.
Tumaas naman ito sa 10.3% noong taong 2020 at bahagyang bumaba ng 7.8% noong 2021.
Inilatag naman ng NEDA chief na base sa Development Budget Coordination Committee’s (DBCC) data, ang projected unemployemnt rate para sa taong 2023 ay inaasang aabot ng 5.7% hanggang 6.8% habang sa taong 2024 naman ay inaasahang bababa ito ng 5.0% hanggang 5.35.
Ayon pa kay Balisacan na sa taong 2023, inaasahang mas maraming Pilipino partikular na ang mga nakapagtapos ng K-12 program ang madadagdag sa labor force.
Bagamat hindi nakikita ang tuloy na pagbaba sa unemployment, nakikita na madaragdagan ang malilikhang trabaho lalo na kapag nagpatuloy ang progreso sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Inihalimbawa ni Balisacan ang pagbubukas ng ekonomiya ay ang optional na pagsusuot ng face mask sa outdoors at inaasahan din nito na maging ang polisiya sa indoor settings ay luluwagan na rin kaakibat pa rin ng nakalatag na health protocols.
-- Advertisements --