Bumaba pa ng apat na puntos ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa nakalipas na buwan ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa press briefing nitong umaga, inilahad ng PSA na bumaba sa 5.1-percent ang unemployment rate sa Pilipinas noong Abril mula sa 5.5-percent noong Marso.
Dahil dito, umakyat pa sa 94.9-percent ang employment rate mula sa 94.5-percent noong Abril ng 2018.
Ayon sa National Statistician na si Claire Dennis Mapa, katumbas ng 74,000 na Pilipino ang bilang ng mga walang trabaho sa naturang buwan.
Pinaka-marami sa mga ito ang kalalakihan sa 62.7-percent, na sinundan ng mga kabataan at fresh graduates sa kolehiyo.
Sa ilalim ng datos, pinaka-maraming walang trabaho ang naitala sa Bangsamoro region, NCR, Ilocos region at Bicol region.
Samantala, nabawasan din ang bilang ng mga Pinoy na underemployed o may trabaho pero hindi match sa kanilang skills ang ginagawa sa workplace.
Mula 17-percent noong Abril 2018, bumaba sa 13.5-percent ang underemployment rate sa parehong buwan ngayong taon.
Katumbas ito ng 1.2-milyong Pilipino, ayon din yan Labor Force Survey ng PSA.
“Underemployed persons who work for less than 40 hours in a week are called visibly underemployed persons. They accounted for 60.0 percent of the total underemployed in April 2019 and 52.6 percent in April 2018.â€