-- Advertisements --

Inihayag ng Public Attorney’s Office na ang mga nagtapos ng nursing na hindi pa nakapasa sa board examinations ay dapat payagang magtrabaho sa mga pampublikong ospital.

Sinabi ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida V. Rueda-Acosta na hindi dapat minamaliit ang mga nurse na underboard.

Ipinunto niya na may ilang law graduate na nagtatrabaho sa PAO ngunit hindi nakapasa sa Bar exams at nagpakita pa rin sila ng kanilang kakayahan.

Sinuportahan ng pahayag ni Acosta ang panukala ni Health Secretary Teodoro J. Herbosa na payagan ang mga nursing graduate na magtrabaho sa mga ospital ng gobyerno.

Kung matatandaan, sinabi ni Herbosa na ang kanyang panukala ay tutugon sa problema ng humigit-kumulang 4,500 na bakanteng plantilla positions para sa mga nurse.

Ani Acosta, ang mga nagtapos ng nursing ay maaaring magkaroon ng mga kontrata sa pagtatrabaho sa gobyerno na kung saan malaking tipid rin para sa gobyerno ng Pilipinas.