-- Advertisements --

Nasabat ng Bureau of Customs’ (BOC) ang dalawang 40-foot laden containers na naglalaban ng undeclared frozen mackerel.

Ang shipment na idineklarang frozen squid ay napaulat na iligal na tinanggalan ng Electronic Tracking of Containerized Cargo (ETRACC) GPS Seal na walang nagbabantay na mga otoridad.

Pero nang buksan ang ang container ay dito na tumambad ang Frozen Mackerel Scad.

Sa ngayon, patuloy na umanong iniimbestigahan ang pagkasabat ng mga kontrabando na sumasailalim na sa seizure at forfeiture proceedings dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Nasabat ang mga kontrabando sa pamamagitan ng Manila International Container Port (MICP) sa tulong ng Enforcement and Security Services (ESS), Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Piers and Inspection Division (PID) at Formal Entry Division (FED).