Nakumpleto na ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang una nitong test run para sa unang yugto ng Light Rail Transit (LRT) line 1 Cavite Extension.
Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit nitong operasyon na target masimulan sa huling quarter ng 2024.
Dito ay isinagawa ang compatability check at assessment sa mga nakapaloob na infrastructure components katulad ng train pantograph, overhead catenary system, mga ginagamit na gulong ng tren, rail, train platform, atbpa.
Nakatakda na rin ang iba pang test runs sa susunod pang mga linggo.
Kabilang dito ang speed test at load capacity ng tatakbong tren.
Ang LRT-1 Cavite Extension ay nakpagrehistro ng 95% progress rate hangang nitong pagtatapos ng Oktobre, 2023. Ito ay kapwa sa civil at system work na nakapaloob sa naturang proyekto.
Maliban sa mga test run, maganda rin ang development ng limang iba pang station na nasa ilalim ng 6.7-kilometer Phase 1 project.