-- Advertisements --

Pumanaw na ang unang tao na gumaling mula sa human immunodeficiency viruses (HIV) na si Timothy Ray Brown.

Ayon sa International AIDS Society (IAS) na ilang taon ng lumalaban sa cancer si Brown.

Nagpaabot ng pakikiramay si IAS President Adeeba Kamarulzaman sa kaanak ni Brown.

Unang nakitaan ng HIV si Brown noong 1995 habang nasa Berlin at matapos ang 10 taon ay dinapuan ito ng leukemia isang uri ng cancer na nakakaapekto sa dugo at bone marrow.

Para magamot ang kaniyang leukemia ay gumamit ang kaniyang doctor sa Free University sa Berlin ng stem cell transplant mula sa isang donor na mayroong kakaibang genetic mutation na nagbigay ito ng resistance sa HIV.

Dumaan sa matindi at delikadong proseso at ito ay nagtagumpay.

Noong 2008 ay idineklara na itong malaya na sa dalawang sakit.

Sa unang dalawang taon ay itinago nito ang kaniyang pagkakakilanlan hanggang lumantad na ito at nagpa-interview.

Isa aniya itong buhay na patunay na maaring gamutin ang HIV.