-- Advertisements --

Hindi natuloy ang makasaysayang paglunsad ng SpaceX sa orbit ng mundo.

Ito ay dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan sa Kennedy Space Center ng NASA launching station sa Florida.

Dahil na rin sa pasya ng 45th Space Wing’s weather squadron na tumingin sa kalagayan ng panahon kaya hindi natuloy ang nasabing pagpalipad ng SpaceX.

Ilang oras bago ang pag-launch ay dumating sa Kennedy Space Center si US President Donald Trump kasama ang asawang si Melania Trump, anak na si Ivanka, senior adviser Jared Kushner at mga anak at si Vice President Mike Pence.

Austronaut
Astronaut

Pinirmahan pa nina Trump at Pence ang ilang bagay na dadalhin ng mga astronaut sa kalawakan.

Sabay sanang panonoorin ng US President ang paglipad ng SpaceX rocket at pagdating ng Crew Dragon capsule.

Makasaysayan ang nasabing launching dahil ito ang unang commercial made na rocket na gagamitin ng NASA na iikot sa kalawakan na gawa ng negosyanteng si Elon Musk.

Nagbayad aniya ng mahigit $3 billion and NASA para sa nasabing launching.

Ito rin sana ang pagtala ng mga astronaut na sina Bob Behnken at Doug Hurley ng siyam na taon na hindi pagpapadala ng NASA sa kalawakan mula sa US soil mula ng magretiro ang space shuttle noong 2011.

Dahil sa sama ng panahon ay ilulunsad na lamang ito sa araw ng Linggo, Mayo 31.