Natuklasan ang unang lamok sa Iceland, na isang bansang tinukoy na kilala bilang isa sa mga lugar na walang lamok, ayon sa isang researcher.
Tinawag na tatlong Culiseta annulata o dalawang babae at isang lalaking mga lamok na nakita 30 kilometro sa hilaga ng Reykjavik ang kabisera ng bansa.
Ayon kay Matthias Alfredsson, isang entomologist mula sa Natural Science Institute of Iceland, ang mga lamok daw ay nahuli gamit ang mga wine ropes, isang pamamaraan na ginagamit upang makahikayat ng mga insekto.
Kinikilala naman ng mga eksperto na first time ngang natagpuan ang mga lamok sa kalikasan mismo ng Iceland, bagama’t una nang iniulat na natagpuan ang Aedes nigripes (isang arctic mosquito species) na lamok ang naitalang nakuha noon mula sa isang eroplano sa Keflavik airport ilang taon na ang nakaraan.
Ayon pa kay Alfredsson, posibleng ang mga lamok ay naipakilala sa bansa sa pamamagitan ng mga barko o container.
Dagdag pa nito na kinakailangan pang i-monitor ang naturang lamok na tagspring upang matukoy ang kanilang pagkalat. Gayunpaman, hindi siya naniniwala na ang pag-init ng klima ang dahilan ng pagdapo ng mga lamok sa Iceland, dahil ang species umano na ito ay may matibay na panangga sa malamig na klima.