Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na na-detect na sa Pilipinas ang unang kaso ng Omicron subvariant na BA.2.12.
Sa isang statement, sinabi ng DFOH na isang 52-anyos na dayuhang babae mula sa Finland na dumating noong Abril 2.
Ayon sa ahensiya hindi required ang naturang biyahero na sumailalim sa facility quarantine dahil siya ay fully vaccinated na at dumating sa bansa na asymptomatic.
Nabatid na nagtungo ang naturang pasyente sa isang university sa Quezon City saka tumungo sa lungsod ng Baguio.
Ayon sa DOH, nakaranas ng mild symptoms gaya ng pananakit ng ulo at sore throat ang naturang Omicron case siyam na araw matapos ang kaniyang arrival sa bansa at lumabas na positibo sa COVID-19 sa sumunod na araw.
Bumalik ito sa Finland noong Abril 21 matapos na makarekober sa sakit.
Sa kabila nito, binigyang diin ng DOH na walang ebidensiya sa ngayon na ang sublineages na ito ay kayang magdulot ng mas severe disease.
Ang BA.2.12 ay isang sublineage ng omicron variant at kasalukuyang itinuturong dahilan ng United States Center for Disease Control sa spike ng COVID-19 infections sa Amerika.