-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapag-detect ang bansa ng kauna-unahang kaso ng Omicron subvariant FE.1.

Ayon sa latest COVID-19 biosurveillance report ng DOH, ang FE.1 ay isang sublineage ng omicron subvariant na XBB na nasa listahan ng variants under monitoring ng European Centre for Disease Prevention and Contro noong Hunyo 1.

Sa kasalukuyang, ang FE.1 o kilala din bilang XBB.1.18.1.1 ay nadetect na sa 35 mg bansa o hurisdiksiyon sa buong anim na kontinente.

Ayon sa report ng DOH, base sa kasalukuyang ebidnsiya kaugnay sa nasabing variant wala itong pinagkaiba pagdating sa severity ng sakit at clinical manifestations kumpara sa orihinal na Omicron variant.

Kasalukuyang limitado pa lamang din ang impormasyon para sa naturang variant pagdating sa transmissibility o kakayahang makahawa, immune evasion at kakayahan nitong magdulot ng mas malalang sakit.