-- Advertisements --

Nagtala na ang bansa ng unang kaso ng monkeypox.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Dr. Beverly Ho, na isang 31-anyos ang pasyente.

Hindi naman nito binanggit ang kasarian at pagkakakilanlan ng unang indibidwal na dinapuan ng nasabing virus.

Dagdag pa ni Ho na dumating sa Pilipinas mula sa ibang bansa ang pasyente noong Hulyo 10 at ito ay sumailalim lamang sa monkeypox test noong Hulyo 28.

Naka-isolate na ito at patuloy ang ginagawang monitoring ngayon ng DOH.

Maging ang tatlo sa 10 close contacts nito na kasamahan sa bahay ay naka-isolate din at binabantayan ito ng DOH.

Nanawagan na rin ang DOH sa publiko na maging mapagmasid para hindi na kumalat ang nasabing virus.

Nauna ng naiulat ang monkeypox virus sa Western at Central Africa noon pang Mayo.

Nauna ng sinabi ng World Health Organization ay mayroon ng mahigit 18,000 na kaso ng monkeypox ang naitala sa 78 bansa kung saan 70 percent dito ay naitala sa Europe at 25 percent naman sa Americas.