-- Advertisements --
Deltacron COVID

Tinukoy ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant XBF sa Pilipinas na isang senior citizen na Filipino national at walang travel history.

Ayon pa sa ulat ng DOH, nakaramdam lamang ng mild symptoms ang naturang senior citizen at nakarekober na mula sa sakit.

Ang XBF ay isang recombinant sublineage ng Omicron BA.5 at BA2.75 na iniuugnay sa pagtaas kamakailan ng mga kaso sa Australia at Sweden.

Ayon sa DOH, iniuri ang XBF bilang Omicon subvariant under monitoring ng World Health Organization (WHO).

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang mga katangian ng nasabing variant pagdating sa transmissibility, immune evasion at kung ito ay nakakapagdulot ng mas malalang sakit.

Patuloy naman ang paghikayat ng DOH sa publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum health protocols at magpabakuna kontra sa virus para maiwasan nang hawaan ng virus.

Magugunita na nadetect ang unang kaso ng XBF sa bansa noong Enero 28.