Ipinagmalaki ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero De Vera na magtatapos na ngayong taon ang unang batch ng mga estudyante na unang nabigyan ng libreng tuition sa mga state universities and colleges (SUCs) at mga local universities at colleges.
Ayon kay De Vera, ang mga mag-aaral na ito ay pawang mga benepisyaryo ng libreng tertiary education sa Pilipinas, na sinimulan ng Duterte administration.
Para kay De Vera, isa ito sa mga legasiyang maiiwan ng Duterte administration, na nakatakdang matapos sa susunod na taon.
Sa ngayon, aabot aniya sa 2 million na mga Pilipino ang binibigyan ng subsidiya ng pamahalaan sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo.
Kaugnay nito, sa susunod na dalawa hanggang limang taon ay asahan na aniya na magkakaroon ng highly educated, employable at better trained na labor force ang Pilipinas.
Ito ay dahil nakikita aniya nila na maraming mga estudyante ang hindi na tumitigil sa pag-aaral pagsapit nila ng kolehiyo bunsod sa batas na umiiral ngayon patungkol dito. Top
-- Advertisements --









