sputnik v
-- Advertisements --

Darating na sa ikalawang linggo ng Abril ang unang batch ng Sputnik V coronavirus vaccine ng Russia.

Ito ay kasunod ng pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na nagkausap na sila ng developer ng bakuna na Gamaleya Research Institute.

Base sa nasabing pag-uusap aabot sa 3 milyon doses na bakuna ang kanilang inorder.

Magugunitang binigyan na ng gobyerno ng bansa ng emergency use authorization ang Sputnik V.