Idineploy na Department of Migrant Workers ang unang batch ng mga Pilipinong magsasaka sa South Korea.
Ayon sa ahensya, sa pamamagitan ng Seasonal Worker Program ng lokal na pamahalaan, aabot sa 39 na mga seasonal farmworkers mula sa munisipalidad ng Apalit, Lubao, at Magalang sa Pampanga ang kabilang sa mga idineploy sa South Korea.
Kaugnay nito ay tiniyak naman ng DMW ang kaligtasan at kapakanan ng mga OFW na kabilang sa nasabing programa sa ilalim ng “interim pipeline processing” procedure.
Kung maaalala, noong Enero 11, 2024 ay naglabas ng moratorium sa deployment ng OFWs ang DMW para sa naturang programa kasunod ng mga ulat hinggil sa “illegal recruitment, labor at welfare cases” sa mga kababayan natin.
Ang Seasonal Worker Program ay isang inisyatibong isinaayos ng mga partner-local government ng Pilipinas at South Korea upang tugunan ang kakulangan ng agricultural workers sa Seoul sa kasagsagan ng peak farming. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)