-- Advertisements --

Posible sa buwan ng Marso pa darating ang unang batch ng bivalent COVID-19 vaccines ang bakuna na ginawa laban sa bagong variant ng nabanggit na virus.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility na pinangunahan ng United Nations na siyang nagpapamahagi ng mga bakuna sa ibang bansa.

Unang sinabi ng DOH na kukuha sila ng bivalent vaccines sa kumpanyang Moderna at Pfizer.

Magugunitang nasa 73.8 milyon o 94.54 percent ng mga kuwalipikadong populasyon ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.

-- Advertisement --