-- Advertisements --

Dumating na sa Ukraine ang unang batch ng 10 German-made na Leopard 1 tanks na ipinangako ng Denmark.

Kinumpirma ito ng Danish Armed Forces ang pagdating ng nasabing mga tanke.

Ang mga susunod na batch ay inaayos pa mula sa factory at ito ay agad na darating kapag nagawa na ang mga ito.

Katuwang ng Denmark ang Germany sa donasyon ng nasabing mga sasakyan na unang ipinakilala noong 1960 at ito na-decommissioned bago ang 2000.

Ang Denmark na rin ang magsasanay sa ilang mga Ukrainian army kung paano i-operate ang nasabing mga tangke.

Magugunitang maraming mga bansa na rin ang nangakong magbibigay ng mga sasakyang pandigma at mga armas sa Ukraine mula ng sila ay lusubin ng Russia.