-- Advertisements --
image 444

Inaasahang darating na sa bansa ang unang batch ng Bivalent covid-19 vaccines sa katapusan ng Marso.

Ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang mga bakuna ay magmumula sa COVAX facility, isang international vaccine-sharing scheme ng United Nations.

Nauna na ring sinabi ng DOH official na mayroong isang bansa na ang nangakong magbibigay ng donasyon na Bivalent vaccine para sa bansa.

Sinabi na rin noon ng DOH na plano nitong bumili ng bivalent vaccines mula sa Moderna at Pfizer.

Ang Bivalent vaccine ay isang modified na bakuna na target ang omicron varinat at ang orihinal na anyo ng virus.

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 94.54% na ng eligible na populasyon ng bansa ang fully vaccinated na kontra covid-19 gamit ang mga existing covid-19 vaccines.

Habang mahigit 21.3 million Pilipino na ang nakatanggap ng kanilang unang boosters at 3.8 million ang naturukan na ng second booster dose.