NAGA CITY- Pagkasunog ng tatlong establisyento ang sumalubong sa unang araw ng Marso na Fire Prevention Month sa Brgy. Triangulo, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Epifanio Barrosa, may ari ng MRFB Barrosa Machinery, sinabi nito na nadamay lamang aniya ang kaniyang shop.

Dagdag pa nito, pumasok sa maliit na puwang malapit sa bintana ng kaniyang shop ang sunog.

Ayon pa dito, made of light materials umano ang katabi nilang establisyemento na naging rason para mas mabilis na kumalat ang apoy sa kanilang shop.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Barrosa na walang nasaktan sa kaniyang pamilya maging sa kaniyang mga tauhan.

-- Advertisement --

Sa ngayon, patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga otoridad lalo na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang posibleng pinagmulan ng naturang sunog.