-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Naging matagumpay ang pag-uulat ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza sa kanyang mga nagawa sa unang isang daang araw ng kanyang panunungkulan bilang gobernador ng lalawigan.

Sa kanyang 100 days report na ginanap sa Provincial Capitol Gymnasium, Amas, Kidapawan City, isa-isang inilahad ni Governor Mendoza ang mga programang kanyang tinutukan lalo na sa pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga Cotabateño.

Naging sentro din ng kanyang talumpati ang 12-point agenda ng kanyang administrasyon batay sa adbokasiya ng Serbisyong Totoo na kinabibilangan ng sumusunod: People’s Participation and Empowerment; Women with Disabilities (PWDs), Sr. Citizens, LGBTQIA+ Empowerment Programs and Benefits; Social Services; Cultural Preservation, Peace and Harmony, Tri-people Council for Peace; Health for All and Protection Against Infectious Diseases; Disaster Preparedness, Response and Resilience; Agricultural Productivity and Livelihood; Environment and Tourism Development; Infrastructure and Barangay Development; Education for All; Youth Empowerment and Sports Development at Moral Recovery, Good Governance, Accountability and Transparency.

Inilahad din nito na ang tiwala ng bawat Cotabateño ang kanyang naging inspirasyon para magpursige at magsumikap sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko.

“𝑨𝒔 𝑰 𝒈𝒐 𝒂𝒓𝒐𝒖𝒏𝒅, 𝑰 𝒔𝒆𝒆 𝒏𝒐𝒕 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒕𝒉𝒆 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝒅𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑 𝒐𝒖𝒓 𝒓𝒐𝒂𝒅𝒔, 𝒃𝒓𝒊𝒅𝒈𝒆𝒔, 𝒂𝒏𝒅 𝒃𝒂𝒔𝒊𝒄 𝒔𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝒉𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉 𝒇𝒂𝒄𝒊𝒍𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔 𝒃𝒖𝒕 𝒂𝒍𝒔𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝒏𝒆𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒆𝒎𝒑𝒐𝒘𝒆𝒓 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆. 𝒀𝒐𝒖𝒓 𝒗𝒊𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒎𝒆 𝒎𝒚 𝒎𝒊𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏. 𝒀𝒐𝒖𝒓 𝒂𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒎𝒆 𝒎𝒚 𝒅𝒊𝒓𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏. 𝑻𝒉𝒆 𝒔𝒕𝒓𝒆𝒏𝒈𝒕𝒉 𝒐𝒇 𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒕𝒓𝒆𝒏𝒈𝒕𝒉 𝒐𝒇 𝒐𝒖𝒓 𝒈𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆. 𝑶𝒖𝒓 𝒇𝒐𝒖𝒏𝒅𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒕𝒓𝒖𝒔𝒕 𝒂𝒏𝒅 𝒔𝒖𝒑𝒑𝒐𝒓𝒕 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 𝒘𝒉𝒐𝒎 𝒘𝒆 𝒔𝒆𝒓𝒗𝒆,” lahad ng gobernadora.

Nanawagan din ito sa mamamayan at opisyales ng lalawigan na tulungan siyang maipatupad ang mga programa at proyekto para sa ikakaunlad ng lalawigan ng Cotabato.

“𝑳𝒆𝒕 𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒓𝒆𝒂𝒎𝒔 𝒃𝒆 𝒐𝒖𝒓 𝒄𝒐𝒍𝒍𝒆𝒄𝒕𝒊𝒗𝒆 𝒂𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏. 𝑨𝒔 𝒘𝒆 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒅𝒆𝒍𝒊𝒗𝒆𝒓𝒆𝒅 𝒃𝒆𝒇𝒐𝒓𝒆, 𝒘𝒆 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒅𝒆𝒍𝒊𝒗𝒆𝒓 𝒏𝒐𝒘. 𝑳𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒎𝒖𝒍𝒊 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒍𝒂𝒘𝒊𝒈𝒂𝒏. 𝑾𝒆 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒔𝒖𝒔𝒕𝒂𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒈𝒂𝒊𝒏𝒔 𝒐𝒇 𝒔𝒆𝒓𝒃𝒊𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒐𝒕𝒐𝒐.”

Kasabay ng 100 days report ng ina ng lalawigan, nagbigay din ng maiksing mensahe sina 2nd District Representative Rudy Caoagdan, 3rd District Representative Ma. Alana Samantha T. Santos, at TUCP Partylist Representative Raymond Democrito C. Mendoza kung saa naibahagi rin ng mga ito ang ilan sa kanilang mga mahahalagang nagawa loob ng isang daang araw sa panunungkulan.

Ang aktibidad ay sinaksihan ng higit kumulang sa 3,000 mga Cotabateños.

Nakiisa rin ang na nasabing pagtitipon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, Municipal Chief Executive, Sangguniang Bayan Members, Regional and Provincial Directors mula sa iba’t ibang ahensya, academe, civil society organizations, law enforcers, department heads, barangay officials, mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at iba pang mga bisita.