-- Advertisements --

Nakatakdang magpuling sina UN Secretary-General Antonio Guterres , Ukrainian President Volodymyr Zelensky at Turkish President Tayyip Erdogan.

Ayon kay UN spokesman Stephane Dujarric, na gagawin ang nasabing pagpupulong sa Ukraine sa Huwebes.

Tatalakayin nila ang sitwasyon sa Zaporizhzhia nuclear power plant ganun din ang paghahanap ng solusyon para matuldukan na ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Kapwa kasi nagsisisihan ang Russia at Ukraine sa nagaganap missile attack sa planta.

Una na ring sinabi ng UN na kaya nilang pamunuan ang pagbisita ng International Atomic Energy Agency (IAEA) inspectors sa nasabing planta.