-- Advertisements --

Isasagawa ngayong araw ng United Nations Security Council ang botohan sa resolution ng US na nanawagan ng ceasefire sa Gaza at ang Israel-Hamas hostage deal.

Sinabi ni Nate Evans ang tagapagsalita ng US mission to the United Nations na ang nasabing resolutions ay resulta ng ilang rounds ng konsultasyon na mayroong 15 miyembro ng Security Council.

Nakasaad sa nasabing resolution ang agarang tigil putukan ng hanggang anim na linggo para maprotektahan din ang mga sibilyan.
mabigyan ng pagkakataon na makadaan ang mga humanitarian aid.

Kasama ng US ang Egypt at Qatar na bumuo ng nasabing resolution na ipinasa sa UN Security Council para pigilan rin ang Israel sa balak nitong pag-atake sa Rafah.