Labis na ikinagulat ni United Nations Secretary-General António Guterres ang ginawang missile strike ng Russia sa Ukraine.
Ayon sa tagapagsalita nito na si Stephane Dujarric na hindi katanggap-tanggap ang ginawa na ito ng Russia dahil sa maraming sibilyan ang nadamay.
Hanggang kailan aniya ay walang maidudulot na tama ang giyera dahil tanging mga sibilyan ang nagbabayad nito.
Nakausap na rin sa pamamagitan ng telepono ni Guterres si Ukrainian President Volodymyr Zelensky at inalam ang naganap na mga missile attack na nagresulta sa pagkasawi ng 14 katao at pagsira ng maraming gusali.
Magugunitang iginiit ni Russian President Vladimir Putin na isang pagganti ang ginawa nilang missile attacke matapos pasabugin umano ng Ukraine ang tulay na nag-uugnay sa Crimea at Russia.