-- Advertisements --

Nanawagan ang United Nations (UN) sa United Arab Emirates (UAE) na magpakita ng matibay na ebidensiya kung buhay pa si Princess Latifa Al Maktoum ang anak ng namumuno sa Dubai matapos na ito ay nakulong.

Princess Latifa

Ayon sa UN Human Rights Commission na dapat gawin ito kaagad ng UAE.

Taong 2018 nang tinangka ni Princess Latifa na tumakas ng Dubai subalit ito ay pinainom ng mga otoridad ng droga hanggang sa mawalan ng malay at ikinulong.

Nauna nang sinabi ng royal family sa Dubai na nasa ligtas at inaalagaan sa kanilang bahay si Princess Latifa.

Nais kasing magsimula ng bagong buhay si Princess Latifa kaya raw ito ay lalayas sa Dubai dahil hindi ito pinapayagang magmaneho ng sasakyan, bumiyahe o umalis ng kanilang bansa.