-- Advertisements --

Sumama na ang United Nations sa mga bansa na nanawagan ng imbestigasyon sa naganap na pamamaril ng mga Israel Defense Forces sa mahigit na 100 Palestinian habang kumukuha ng pagkain sa Gaza.

Pumalo na sa 117 katao at halos 800 na ang nasugatan ng sila ay pagbabarilin at sagasaan pa ng truck.

Sinabi ni UN Secretary General António Guterres, na mararapat na kondinahin ang insidente kung saan ang mga desperadong mga sibilyan ay kailangan ng agarang tulong.

Inakusahan ng Hamas ang Israel kung saan karamihan sa kanila ay nasawi matapos masagasaan.

Una ng sinabi ng Israel Defense Forces na nagawa nilang paputukan ang mga taong papalapit sa kanila na inakala nilang sila ay aatakihin subalit kukuha lang pala ng mga makakain.