-- Advertisements --

Patuloy ang panawagan ng United Nations sa Israel at Hamas na isulong ang ceasefire.

Ngayon araw kasi ay siyang pang-200 araw na mula ng sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Hamas at Israel.

Ayon sa gobyerno ng Gaza na pumalo na sa 34,183 na mga Palestino ang nasawi kung saan 14,778 ay mga bata.

Ilang libo pa rin ang naiulat na nawawala na maaring natabunan ng mga gumuhong gusali dahil sa mga missile strike ng Israel sa Gaza.

Umabot na rin sa 77,140 rin na mga Palestino ang nasugatan at mahigit 1 milyon ang naapektuhan ng nakakahawang sakit dahil sa pagpapalikas sa kanila.

Mayroong 310 medical staff members at 20 mga journalists ang inaresto ng mga Israeli Forces.

Dumarami naman ang bansang komokondina sa mass grave na natagpuan sa Khan Younis partikular na sa bisinidad ng Nasser Medical Complex kung saan nasa 310 na bangkay ang natagpuan.

Kabilang sa mga bansa ay ang US at Saudi Arabia.

Una ng inakusahan ng Hamas na ibinaon ng mga Israel Defense Forces ang mga bangkay para pagtakpan ang ginawa nilang genocide.